CGMA, ‘di pinayagang dumalo sa arraignment sa Sandiganbayan

HINDI na pinahintulutang makalabas ng ospital si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para dumalo sa arraignment sa Sandiganbayan kaugnay ng P366 milyong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) plunder case.

Nakatakda ngayong umaga ang Arraignment ni Ginang Arroyo sa sandiganbayan kaugnay sa maanomalyang paglustay ng pondo ng PCSO.

Ayon  sa doktor ng dating pangulo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na si Dr. Nona Legaspi, bagama’t nakalabas na ng intensive care unit (ICU) si Giang Arroyo ay magiging delikado pa rin kung papayagan nilang lumabas ng ospital para mabasahan ng sakdal.

Kasama rin dito ang dalawa pang nasasangkot sa plunder case na sina dating PCSO Officials Sergio Valencia at Benigno Aguas.

Isasailalim pa sa stress echo test si Ginang Arroyo sa Philippine Heart Center o ibang ospital para makakuha ng certificate para makalabas ng VMMC.

Posible ring hindi makadalo sa arraignment at hindi rin mabasahan ng sakdal ang kapwa-akusado ng dating pangulo na si PCSO ex-Board Member Manuel “Manoling” Morato dahil nananatili naman ito sa St. Luke’s Medical Center dulot din ng karamdaman.

Obligado namang humarap sa 1st Division Anti-Graft Court sina Valencia at Aguas makaraang hindi makakadalo si Arroyo matapos itong maisugod sa ICU nitong Biyernes.

Nauna ng inapila ng kampo ni Arroyo ang pagpigil sa arraignment dahil sa hindi pa kaya ng Dating Pangulo na humarap sa Korte bunsod ng sensitibo pa rin nitong karamdaman.

Sa Oktubre 18 naman nakatakdang dinggin muli ang apela ng panig ni CGMA hinggil sa hospital arrest nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply