CGMA haharap sa arraignment bukas- Lambino

NAKAHANDA si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na humarap sa Sandiganbayan bukas upang basahan ng sakdal.

Ito ang tiniyak ni Atty. Raul Lambino kung saan sinabi niyang sasamahan si GMA ng kaniyang abogado na si Atty. Anacleto “Butch” Diaz.

“Nakahanda siyang humarap bukas (Lunes-Oct 29) kasama ang kanyang lead counsel na si Atty. Anacleto Diaz. Pupunta din ako sa Sandiganbayan,” ayon kay Lambino.

Kasabay nito, kinumpirma rin ng abogado na maaliwalas na ang kalagayan ni GMA at wala ng nakakabit na gadgets gaya ng swero.

“Kahapon ng madaling araw nang dumating ako, agad akong dumalaw sa kanya (GMA) para malaman ang dapat gawin. Kahit papaano ay mas maaliwalas na siya. Wala ng nakakabit na gadgets, wala na rin siyang swero. Pero nasa kanyang kwarto lamang siya,” ani Lambino.

Kasabay nito, tumanggi si Lambino na ihayag kung maghahayag ng guilty o not guilty si GMA sa kaniyang pagharap sa Sandiganbayan bukas.

“Hindi natin masasabi kung ano ang kanyang magiging pahayag. Plea of guilty or not guilty or mananahimik siya para ang korte ang maghain ng plea para sa kanya.”

Matapos ang arraignment ay maghahain ayon kay Lambino ng mosyon ang kampo nni GMA upang makapagpagamot sa Philippine Heart Center dahil sa karamdaman nya sa puso.

Ang house arrest ayon kay Lambino ay hindi pa natatalakay sa ngayon ng mga abogado ni GMA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply