CGMA hindi ‘flight risk’ – Atty. Lambino

PINABULAANAN ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo ang mga pahayag na isa itong “flight risk” o maaaring tumakas.

Sinabi ni Atty Raul Lambino, isa sa mga abgogado ni Ginang Arroyo na walang dapat katakutan na tatakasan ng dating Pangulo ang mga kasong kinakaharap at kahit kailan ay hindi naging flight risk si Arroyo.

“She has never been a flight risk. Walang dapat katakutan na tatakasan nya ang kasong kinakaharap niya. Yong una, Ano ba ang dahilan kung bakit sinampahan siya ng kaso na inapura? Ang electoral sabotage ay inimbento at sinadyang i-prosecutre si GMA,” paliwanag ni Lambino.

Mahihina aniya ang mga ebidensya na ibinatay lamang sa testimonya ni Unas na hindi naman umano katanggap-tanggap sa korte.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit pumayag ang korte na makapagpiyansa ang dating Pangulo subalit hindi aniya maitatago ang katotohanan na nagdusa muna ang dating Pangulo.

Ayon kay Lambino, sa ngayon ay hindi magawang maghain ng request para makapagpagamot ang dating Pangulo sa abroad.

Giit ni Lambino na bugbog na bugbog na si GMA at ang pamilya nito sa “trial by publicity” na lalong nagpapabigat sa dinadalang karamdaman ng dating Presidente.

Sa ngayon ay inamin ni Lambino na walang malinaw na banta sa buhay ni GMA subalit bilang isang dating Pangulo ay mahigpit pa rin itong binabantayan ng ilang miyembro ng Presidential Security Group dahil may posibilidad pa rin na may magtangka sa buhay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply