CGMA, mananatili sa VMMC hanggang Huwebes

SA Huwebes pa mareresolba ng Sandiganbayan ang nakabinbing apela ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo para ito ay makapanatili sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ayon kay Sandiganbayan spokesman Renato Bocar, hangga’t wala pang resolusyon ang korte sa nasabing kahilingan, ay mananatili muna sa ospital ang dating pangulo.

“Any movement or transfer of the former president from her current place of detention must be coursed through the Sandiganbayan,” ayon kay Bocar.

Nito lamang nakaaraang Lunes, maaalalang inihayag ni VMMC Dir. Nona Legaspi na maari nang makalabas ng ospital ang kanilang  pasyente matapos itong ma-confine noong nakaraang linggo.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binanggit pa ni Atty. Bocar na sakaling walang pagtutol sa panig ng prosecution, maari umanong ipag-utos ng anti-graft court na manatili sa hospital confinement ang dating pangulo, sa halip na ilipat ang regular na kulungan.

“If the prosecution does not oppose, then in open court the Sandiganbayan can order the continued confinement at the VMMC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply