CGMA mas malala ang kondisyon ngayon

NILINAW ng Veterans Memorial Medical Center o VMMC na susunod sila sa magiging kautusan ng korte sakaling ipag-utos ang paglilipat sa PNP Custodial Center kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ngunit may pasubali silang hindi naman maging agaran.

Sa ipinalabas na medical bulletin ng Veterans hospital, sinabi ni Director Nona Legaspi mas malala ang kondisyon sa ngayon ni CGMA kumpara noong una itong ma-confine kaugnay sa dehydration.

Ayon kay Legaspi sobrang dehydrated ang dating Pangulo at aabot pa hanggang tatlong araw bago mag normalize ang body fluid sa katawan nito.

Batay, aniya, sa kasalukuyang medical condition nito hindi pa maari itong ma discharged at hindi nila ito basta-basta palalabasin sa pagamutan subalit susunod naman sila sa maaring iutos ng Sandiganbayan.

Ipinaliwanag din ni Legaspi na mahina ang kaliwang balikat ng Pangulo bukod pa sa pamamanhid ng kanyang dalawang kamay at nahihirapan pang lumunok ito ng pagkain dahil nakakaranas din ang dating Pangulo ngayon ng cervical spondylosis.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply