CGMA nagpapa-hospital arrest sa kasong PCSO plunder
HINILING ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan na isailalim siya sa hospital arrest habang ang kanyang kasong plunder sa maling paggamit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) intelligence funds ay dinidinig ng anti-graft court.
Sinabi ni Sandiganbayan spokesperson Renato Bocar na ang mosyon ay isinampa ng abugado ni Mrs. Arroyo dakong alas 3:27 p.m. nitong nakaraang Lunes.
Ang mosyon ay didinggin sa Sandiganbayan’s first division sa darating na Huwebes.
Isinugod si Mrs. Arroyo sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City sanhi ng dehydration at body weakness noong nakaraang Huwebes at doon siya inaresto sa loob mismo ng presidential suite hinggil sa PCSO-related plunder case. Nagpalabas naman ang Sandiganbayan ng arrest warrant isang araw bago ito isinilbi.
Ang dating Pangulo, na ngayon ay Pampanga’s second legislative district sa House of Representatives, ay may bone mineral disorder at isinailalim sa serye ng operasyon para gamutin ang kanyang kondisyon noong nakaraang taon.
Itinakda naman ng Sandiganbayan ang pagdinig ni Mrs. Arroyo sa kasong plunder case sa susunod na Lunes. Kasalukuyan itong out on bail sa kaso naman na electoral sabotage na isinampa noong nakaraang taon.
You must be logged in to post a comment Login