CGMA nakunan sa kamera na ‘di suot ang neck brace

NAKUNAN si dating Pangulong Gloria Arroyo sa kamera na hindi suot ang kanyang neck brace habang naglalakad sa compound ng isang government hospital sa Quezon City na kanyang pinagkukulungan ngayon.”

Pero sa iponoste ni Arroyo sa kanyang Twitter account kaninang umaga (Oktubre 10), sinabi nitong sinabihan siya ng kanyang doktor na huwag niyang isuot ang kanyang neck brace sa lahat ng oras.

“(My) doctor reminded me not to wear my neck brace all the time to prevent atrophy. But my neck hurts after a while,” paliwanag ni Arroyo.

Simula nitong nakaraang Huwebes, si Arroyo ay nakaditine sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMCC) sa Quezon City matapos iipaaresto siya ng Sandiganbayan dahil sa kasong plunder.

Nito lamang nakaraang Martes, ini-report ng isang television station na nahuli si Arroyo ng isang cameraman na naglalakad sa loob ng VMMC, na hindi suot ang kanyang neck brace.

Sinasabi rin na nang makita ng dating lider ng bansa ang mga media cameras, pumasok ito sa kanyang kuwarto at paglabas ay suot na nito ang kanyang neck brace.

Sa kasalukuyan, si Arroyo ay nahaharap sa kasong  plunder dahil sa iregularidad sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Bago siya naaresto nitong nakaraang Huwebes, nakalaya ito matapos naman magpiyansa noong nakaraaan Hulyo.

Pero lagi naman itong nagpupunta sa VMMC para ipaayos ang kanyang anatomical condition. Dinala rin ito sa VMMC nitong nakaraang Huwebes sanhi ng dehydration.

Sinabi ni VMMC head Dr. Nona Legaspi nitong nakaraang Biyernes na habang nagamot na ang kanyang dehydration, may phobia parin itong kumain at uminom, sa takot na mabulunan muli ito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply