ChaCha di kailangan sa Bangsamoro Framework Agreement

HINDI na kailangan ang Charter Change para maging makatotohanan ang Bangsamoro Framework Agreement.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa pahayag ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chair Al Haj Murad Ebrahim na kailangang ikasa ang ChaCha sa usaping ito para hindi magmukhang peke ng kasunduan at taliwas sa posisyon ni Government peace panel chairman Marvic Leonen na magiging matagumpay ang lahat ng ito sa ilalim ng Saligang Batas.

“I think, what is very clear was that the Bangsamoro Framework Agreement was signed within the flexibilities of the Constitution. Nasabi na rin po namin, at ang paniniwala po natin that the Organic Act that will be drafted ay dadaan po sa Kongreso and all these are done under the 1987 Constitution. I think, in his view—’yan po ang kanyang pananaw. Pero ang pananaw po ng ating pamahalaan ay kaya po nating gawin lahat ng ito within the framework of the 1987 Constitution. If you look at the timetable that was presented by Dean Marvic Leonen and the infographics that we provided—on PCDSPO, you will see that all these things will be done before 2016 so that by 2016, elections will be held na po. So these are clearly how we envision the Framework Agreement together with the annexes that are going to be discussed next month,” anito

Tila ipinamukha naman ng Malakanyang kay chairman Ebrahim na nakasaad sa Framework Agreement and Ministerial Form na magiging matagumpay ang Bangsamoro kahit hindi na amiyendahan ang Saligang Batas lalo pa at inilagay na ang kasunduan sa tinatawag na Organic Act.

“And you will have that form of government in the Bangsamoro. So, naniniwala po kami—yes, the answer is categorical, we believe that everything can be done within the framework of the 1987 Constitution,’ ani Sec. Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply