Chief tanod kalaboso sa pagnanakaw ng panabong

KALABOSO ang dalawa kabilang ang isang chief tanod sa apat na nagnakaw ng mga manok na panabong sa isang municipal councilor sa Umingan, Pangasinan.

Nabatid na 20 manok na panabong ni Councilor Jun Advincula ang natangay ng mga suspek sa farm nito sa Barangay Sinabaan.

Isa sa mga suspek ay ang chief tanod ng lugar na si Jessie Elarde habang tiklo ang kasamahan nito na si Pedi Petines at nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan.

Ginamit pa ng mga suspek ang barangay patrol sa pagbiyahe ng mga ninakaw na manok patungo sa lalawigan ng Tarlac.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply