Chinese arestado sa drug bust sa Maynila

ARESTADO ang isang Chinese national matpos mahulihan ng droga sa isinagawang buy bust operation sa Binodno, Maynila kahapon.

Hawak na ngayon ng Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang suspek na si Joey Sy.

Ayon kay Senior Inspector Harold Aglipay ng AIDSOTF, dakong alas-5:00 kahapon ng masakote si Sy sa parking lot ng Peace Hotel sa kanto ng Soler at Benavidez street sa Binondo, Maynila kung saan naganap ang bentahan ng shabu.

Nabatid na umaabot sa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon ang nakumpiska kay Sy.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impomrasyon kaugnany sa illegal na aktibidades ng suspek kaya naman agad nilang ikinasa ang buy-bust operation.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply