Chinese hinataw na, sinaksak pa, patay

HINATAW at pinagsasaksak ang isang babaeng intsik ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City kagabi, Oktubre 7.

Dead on the spot sanhi ng palo sa ulo at mga saksak katawan si Terry Sy, nasa hustong gulang, stay-in sa Serix Marketing sa G. Tirona st., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang pasukin ang biktima sa kuwarto nito bago pinaghahataw ng matigas na bagay sa ulo saka pinagsasaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek at inaalam na rin kung may nawawalang gamit ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply