CHIPI: Natural Health Products Expo 2012

SA ika-6 na taon ng The Chamber of Herbal Industries of the Philippines Inc. (CHIPI), magkakaroon muli ng local trade fair “Natural Health Products Expo 2012” sa Oktubre 19 hanggang 21, 2012 na gaganapin sa Megatrade Hall I, SM Megamall, Mandaluyong City.

Ito ay may temang “Natural Health for the Nation’s Wealth”, ang 3 araw na expo ay magtatanghal ng mga pangunahing tatak Pilipinong Food and Health Supplements, Herbal Medicines, Personal Care Products, Natural Ingredients Suppliers, Packaging Materials and Equipments, Toll Manu-facturers Healthy Food, Alternative Therapies and Modalities, and Allied Services.

Ang NHPE 2012, ay nag-aadhika na isulong ang ligtas, may kalidad at kayang-kaya sa bulsang natural health products na narito sa bansa gayundin ang pagpapaunlad ng makabagong paraan ng mga alternatibong pangkagalingang therapies para pananggalang sa mga sakit, pangmintina, para sa kalusugan, at ang pangkabuuang pagpapaunlad ukol sa kalusugan ng publiko.

Magiging tampok sa kaganapan, ang ipakikitang malawakang pag-unlad ng Natural Health Products Industry bilang Sunshine Industry sa kasalukuyang panahon. Binigyan ng kredito ang mga bagay na naturan, sa pagtaas ng pagkagusto sa produkto ng mga kumukonsumo dahil sa ligtas na resulta sa paggamot na naaayon sa kasalukuyang sitwasyon ukol sa kalusugan dito sa Pilipinas.

Ang mga magiging bisita sa naturang kaganapan ay makararanas ng tradisyunal na Philippine hilot, makabagong medical acupuncture at konsulta medical na libre, o may bawas sa bayad sa loob ng 3 araw na kaganapan. Magkakaroon din ng libreng health and wellness seminars, malaking diskwento at raffle prizes para sa lahat.

Inorganisa ang NHPE 2012, at ito ay suportado ng Department of Agriculture–Agri-Business and Marketing Assistance (DA-AMAS), Manila Nature’s Link Corporation, Prosource International at PLDT SME Nation.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply