Chiz, Loren, Poe di puwedeng common candidate

“WALANG common candidate.”

Ganito ang paglilinaw ni Senador Franklin Drilon matapos  ang isinagawang proklamasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa 12 senator slate ng Liberal Party-Nacionalista Party-Nationalist Peoples’ Coalition (LP-NP-NPC Coalition)  sa Club Filipino nitong Lunes.

Sa panayam, sinabi ni Drilon, itinalagang campaign manager ng koalisyon, na hindi maaaring maging common candidate sina Sen. Francis “Chiz” Escudero, Sen. Loren Legarda at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman Grace Poe Lamanzares na itinuturing na guest candidate ng United Nationalists Alliance (UNA).

“There are no common candidates. Our slate is complete. We cannot prevent them from adopting some of our candidates,” ayon kay Drilon.

Aniya, magiging problemado lamang sa bahagi ng kandidato na aampunin ng kabilang partido na bigla lamang silang haharap sa rali ng UNA dahil mistulang iniendorso nito ang kandidato ng kalaban.

“That it would be difficult, for these three candidates to appear before the stage of other side, virtually junking the nine candidates of the administration, So, it is difficult. It will create practical difficulty,” ayon kay Drilon

“It will put them in a very difficult situation because when media ask them, will you endorse the candidates of UNA, how they will response. Are their presence an endorsement  to the candidates of UNA. Then what happened to their coalition with LP,” dagdag ni Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na ipatatawag ang tatlong kandidato upang maipaliwanag ang posibleng mangyari kapag nagkaroon ng common candidate na siyang ibinabala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na magkakaroon ng selosan.

“We will clarify it to them. We will explain it to them. There would be no common candidate. Magkakaroon ng selosan, hindi lamang selosan, magkakaroon ng problema, kapag umakyat ka sa entablado ng iba,  paano na lamang ang nine candidates ng kabila,  paano na lamang mangyayar,’ aniya.

Nauna nang inihayag ni Vice President Jejomar Binay na kasama sa kanilang slate bilang guest candidate sina Escudero, Legarda at Poe. Sinuportahan ni Escudero si

Binay sa nakaraang halalan, at inaanak naman ni dating Pangulong Joseph Estrada si Poe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply