Chiz unang biktima ng election black prop

APAT na buwan simula ngayon, unang naging biktima ng election black propaganda si Sen. Francis “Chiz” Escudero na nagsasabing naghain siya ng panukalang batas upang bawasan ang sahod ng titser, pulis at sundalo.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Escudero na umiikot ngayon sa ilang social media at text messages ang naturang mensahe simula nang maghain siya ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) nitong Martes.

“It has become evident that there are some people who wish to destroy my name and character. A smear campaign appears to be underway to malign me. Even before I filed my certificate of candidacy (on Tuesday), I have already received reports of such mudslinging,” ayon kay Escudero.

Ngunit, ayon kay Escudero na walang katotohanan ang smear campaign na ipinagkakalat ng kanyang kalaban sa pulitika na naghain siya ng panukalang batas upang kapunin ang sahod ng empleyado sa gobyerno.

“There is no such bill. It is really disappointing how those behind this smear campaign can conduct such black propaganda, disappointing because it insults me but, more importantly, insults the Filipino people. Maliwanag na napakaliit ng tingin at kawalan ng paggalang sa mga botante natin ang ganyang kababawan,” ayon kay Escudero.

Sinabi pa niya na labag sa Saligang Batas ang naturang panukala kaya hindi ito puwedeng ihain.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply