Cybercrime law ‘wag munang ipatupad – CHR

NANANAWAGAN ang Commission on Human Rights (CHR) na huwag munang ipatupad ang cybercrime law o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay CHR Chairperson Etta Rosales, hindi pa handa ang taumbayan sa naturang batas dahil hindi pa ito malinaw sa kanila.

Inihalimbawa rin ni Rosales ang media bilang isang ehemplo na siyang direktang maapektuhan ngayong naipatupad na ito dahil tila bumabalik ang gobyreno sa paghihigpit tulad nang naganap noong martial law.

Sa kabila nito, ikinadidismaya naman ng opisyal ang pagrerebelde ng mga “Hacktivists” na nangha-hack ng websites ng gobyerno bilang pagganti sa desisyon ng gobyreno.

Samantala, idinepensa naman ng Palasyo ang pagpapatupad ng cybercrime law

Ayon kay Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, sinusunod lamang nila ang nilalaman ng Saligang Batas.

Una na kasing hinimok ni Rosales ang Aquino administration na gumawa ng paraan upang pigilin ang kontrobersiyal na batas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply