CoC filing hanggang 5:00 ng hapon lang – Comelec

MULING nagpaalala ang Commissin on Elections (Comelec) na hindi na palalawigin pa ang filing ng certificate of candidacy (CoCs) na magtatapos mamayang alas-5:00 ng hapon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., kapag lumampas sa itinakda nilang oras ay hindi na tatanggapin ng komisyon dahil magsasara sila sa oras.

“Nandoon naman sa regulasyon namin, 4:45 [p.m.] if you are within the vicinity or 15 minutes before the deadline, tatanggapin po namin yan, maski na beyond 5:00 basta nasa loob ng vicinity,” ayon pa kay Brillantes.

Ang komisyon ay nagbigay lamang ng limang araw ng paghahain ng CoCs na nagsimula nitong Lunes, Oktubre 1.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply