Coliseum sa Isabela nasunog, Comelec office nadamay

NASUNOG ang Antonio M. Abaya Memorial Coliseum at nadamay ang katabi nitong bangko, supermarket, fastfood chains at Commission on Elections office sa Santiago City, Isabela kaninang madaling araw.

Ayon kay Fire Marshall Juanito Diansay, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa coliseum na may 8,000 hanggang 10,000 seating capacity.

Dahil sa bilis kumalat ng apoy, nadamay ang mga katabing establisimyento at kawad ng kuryente sa kalsada kung saan nasunog din ang Market Administration Office, Bureau of Internal Revenue (BIR) Office at Commission on Elections (Comelec) Office.

Naisalba naman sa Comelec ang kanilang mga computer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply