Collection ng NCRPO at talamak na sugal sa R-8

MISMONG taga-NCRPO ang nagkumpirma sa atin ng katotohanan nang ibinulgar natin dito ang collection activities ng isang Col. Lee na ginagamit umano ng pangalan ng NCRPO Chief na si Gen. Leonardo Espina.

Collection, parekoy, mula sa jueteng, bookies ng karera, video karera, sakla, perya, club na may mga bold show at putahan sa mga massage parlor!

Ayon sa ating tawiwit, ang mga pulis na sina Jiggs at Jun Bernardino ang ginagamit ni Col. Lee sa collection kung saan nasa P2M ang remittance kada Lunes.

Wow ha! Ibig bang sabihin ay may P2M si Gen. Espina tuwing Lunes o ganyan kalaki ang bukol ni sir weekly?

Ito ang mahirap, parekoy. Habang ginagawa ni Gen. Leonardo Espina ang lahat para mapaunlad ang serbisyo publiko ay may iilan naman na abala sa paggawa ng mga kabulastugan!

Patunayan mo nga, Gen. Espina, Jr. na hindi ka kumikita bagkus ay nabubukulan pa ng dalawang milyon kada linggo.

Paimbestigahan mo kaa-gad, sir,  itong si Col. Lee!

-o0o-

KARUGTONG po ito, Gen, Elmer Soria, ng mahabang listahan ng gambling lords sa Region 8 na diumano ay sentralisado sa Regional level ng PNP ang “lingguhang tongpats!”

Si Shute Uy ang may hawak ng “swertres” sa mas maraming lugar sa Catbalogan. Si Atoy Daysam ang lord sa Villaba, Tabango, San Isidro (3rd Dist.) at Palompon (4th Dist.) ng Leyte.

Si Mario Planco naman na taga Mindanao ang lord sa Albuera, Leyte (4th Dist.), Baybay at Abuyog (5th Dist.). Maging ang abogadong kilala sa Catbalogan, Samar na si Atty. Teves  ay swak na rin sa iligal na sugal.

Paalala lang po, Gen Elmer Soria, hindi pa tayo nangangalahati sa listahan ng mga GL sa buong Region 8.

Pag natapos ko ito hanggang Sabado, sa palagay mo kaya ay hindi makuwenta ng Camp Crame kung magkano ang weekly remittance?

Ngayon, kung hindi ka tumatanggap dyan sa Region 8, at least alam mo kung   gaano kalaki ang iyong bukol!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply