Colmenares: Desperado ang naghahangad na madiskuwalipika ang Bayan Muna

DESPERADO na diumano ang mga grupong nais na maipadiskuwalipika sa Commission on Elections ang partidong Bayan Muna.

Partikular na tinukoy ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang People’s Advocacy for Collaboration and Empowerment (PEACE) na nagsampa ng disqualification case laban sa dito.

Giit ni Colmenares na panggugulo at panggigipit lamang ang ginagawa ng grupong nagsampa ng kaso para malaglag ang Bayan Muna sa accredited list ng komisyon upang hindi na makatakbo sa susunod na halalan.

Kampante ang kongresista na maibabasura din ang petisyon tulad ng nangyari noong 2001, 2004, 2007 at 2010.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply