Comelec Commissioner Padaca, nahaharap sa ethical issue

PPOSIBLENG maharap sa ethical issue ang bagong talagang Comelec Commissioner Grace Padaca dahil sa pagtakbo ng kanyang kapatid sa Isabela.

Samantala, aminado si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na walang masama sa pagtakbo ng kapatid ni Padaca bilang gobernador ng Isabela.

Una nang humabol sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy para sa 2013 midterm elections ang nakababatang kapatid ni Padaca na si Mario Angelo Padaca.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na posibleng maharap sa ethical issue si Padaca dahil kasalukuyan itong commissioner ng Comelec.

Dahil dito, nais kausapin ng poll body chief ang dating gobernador hinggil sa kinakaharap nitong panibagong kontrobersya.

Si dating Isabela Governor Maria Gracia Cielo “Grace” Padaca ay nanumpa bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Dakong alas-10:00 kanina nang manumpa si Padaca kay Justice Secretary Leila De Lima.

Kasamang nagtungo ng dating gobernador sa tanggapan ng Department of Justice ang kanyang ina na si Amelia Padaca.

Martes nang i-appoint ni Pangulong Noynoy Aquino si Padaca sa poll body kapalit ni Comelec Commissioner Gus Lagman.

Gayunman, naging kontrobersyal ang appointment makaraang magpiyansa ang pangulo ng P70,000 para sa dalawang kaso ng bagong Comelec official sa Sandiganbayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply