Comelec: Double registrants, hindi makalulusot

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi makalulusot at hindi makaboboto sa darating na halalan ang mga botanteng may multiple registration.

Ayon sa Commission on Elections-Cagayan de Oro city, sa pamamagitan ng Automated Finger Print Identification System at iba pang biometric information, mabilis nang makilala ang mga botanteng may mahigit sa isang registration.

Sinabi ni city Comelec Officer Atty. Aleli Ramirez na kahit marami pang gamiting pangalan ang isang botante, matutuklasan din ito dahil sa thumb print dahil wala umanong taong may identical  finger prints.

Ang pahayag na ito ni Ramirez ay resulta ng mga hinalang may posibleng mga flying voters na magpaparehistro sa natitirang araw ng registration.

Dagdag pa nito na pagkatapos ng deadline ng registration sa October 31, lilinisin na ng mga election offices ang official list ng mga registered voters at ang mga multiple registrations at awtomatikong
buburahin sa listahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply