Comelec dumipensa sa diskuwalipikasyon ng 13 partylist

BINIGYAN diin ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na dumaan sa proseso ang pagbasura sa accreditation ng 13 mga partylist organizations, kabilang ang nanguna sa 2010 polls na Ako Bicol Partylist.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., sa kaso ng Ako Bicol, nakarehistro ito bilang isang political party at hindi kumakatawan sa isang marginalized sector.

Maliban dito, naging “redundant” na ang kaso ng grupo lalo’t may hiwalay nang district representatives na kumakatawan sa Kamara para sa Bicol Region.

Giit ni Brillantes, maliban sa nagkaroon ng mga pagdinig, binusisi rin sa division level ang lahat ng pagkuwestyon sa naturang organisasyon bago ibinaba ang hatol na diskwalipikasyon

Ang mga ito ay Ako Bicol; 1-Aani; 1-Bro PGBIi; 1-Ganap/Guardian; 1st Prisa; A Blessed Partylist; Anupa; Alliance for rural concerns; Aral; Atong Paglaum; Oragon; Unimad  at Yes We Can!

Ayon kay Brillantes, unanimous ang naging desisyon ng komisyon at sa botong 6-0 ay tinanggal na ang mga nabanggit na partylist groups na hindi tunay na kumakatawan sa marginalized sector.

Sinabi ni Brillantes na tatapusin na lamang ng mga nabanggit na grupo ang kanilang termino hanggang 2013.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply