Comelec: ‘Epalitiko’ bantayan ngayong Undas

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na bantayan ngayong panahon ng Undas ang mga ‘epalitiko’ o yaong mga politiko na magiging epal sa pamamagitan nang pagdi-display ng posters at tarpaulins sa mga sementeryo upang maagang makapangampanya.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., ang mga naturang epalitiko ay hindi na dapat iboto sa 2013 midterm elections dahil sa pagsasamantala ng mga ito sa isang relihiyosong okasyon.

Payo pa ni Brillantes sa mga botante na mas mainam kung kukunan ng litrato ang mga poster at tarpaulin ng mga epalitiko upang maalala na sila ang mga taong hindi dapat iluklok sa puwesto sa halalan.

Kasabay nito, umapela si Brillantes sa ‘konsensiya’ ng mga puoitiko na huwag samantalahin ang Undas upang maagang makapangampanya kahit pa walang batas laban sa premature campaigning.

Una na ring nakiusap ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga politiko na huwag maging ‘epal’ ngayong Undas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply