Comelec handa sa imbestigasyon ng Senado

HANDA ang Commisison on Elections (Comelec) sa anumang imbestigasyon ng Senado hinggil sa diskuwalipikasyon ng ilang mga partylist groups.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, inaasahan na nila ang kaliwat-kanang reaksyon sa pagtanggal nila ng mga kandidatong bagsak sa kanilang panuntunan.

Nanindigan din si Brillantes na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho upang maisaayos ang electoral process .

Sinabi rin ni Brillantes na masusi nilang pinag-aralan ang mga partylist organization at hindi sila naglalabas ng listahan ng nadiskuwalipika hangga’t hindi napipirmahan ang resolyuson.

Payo naman ng Comelec na maaari pa namang umapela ang mga nadiskuwalipika sa Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply