Comelec: Kandidatura ng 27 senatoriable aprub na

APRUBADO na ng Commision on Elections (Comelec) ang kandidatura ng 27 senatorial bets na naghain ng kanilang certificate of candidacies (CoCs) para sa 2013 midterm elections.

Ang pagbibigay ng due course sa CoC ng 27 senatorial bets ayon kay Comelec Chairman sixto Brillantes ay nakasaad sa Comelec resolution No. 9540.

Maliban sa nabanggit na bilang na inaprubahan na ng komisyon ay may 57 pang nag-aasam na tumakbo sa halalan ang iimbitahan pa ng Comelec para sa isang panayam.

Ito ay hinati sa dalawang grupo kung saan kakapanayamin ang unang batch sa Oktubre 18, ganap na alas-9:00 ng umaga habang  sa Oktubre 19 naman nakatakdang kapanayamin ang pangalawang batch sa kapareho ring oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply