Comelec kay PNoy: 2 bagong commissioner pangalanan na

HINIMOK ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na pangalanan na kung sino ang itatalaga nitong kapalit ng dalawang magreretirong commissioner ng poll body sa taong 2013.

Ang panawagan ni Brillantes kay Pangulong Aquino ay kasunod nang nakatakdang pagreretiro sa puwesto nina Comelec Commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco sa darating na Pebrero, na nasabay sa kasagsagan ng paghahanda ng poll body para sa May 2013 midterm polls.

Ayon kay Brillantes, kung malalaman nila kaagad kung sino ang papalit sa dalawang nabanggit na commissioner ay maaari na niya itong kuning mga consultant.

Sa pamamagitan aniya nito ay magiging pamilyar na ang mga itatalagang commissioner sa mga trabaho sa komisyon, gayundin sa isinasagawang preparasyon para sa halalan.

Binigyang-diin ni Brillantes na sensitibo ang kanilang trabaho ngayon dahil nasa kasagsagan sila ng paghahanda sa halalan kaya’t mahalagang handa ang mga itatalagang commissioner sa trabahong kanilang papasukin.

Nitong Martes, una nang itinalaga ni PNoy sa puwesto si dating Isabela Governor Grace Padaca bilang pinakabagong Comelec Commissioner kapalit ni dating Commissioner Augusto Lagman.

Ikinagalak naman ni Brillantes ang pagkakapuwesto kay Padaca dahil matagal na umano niyang hiling na babae ang susunod na uupong komisyuner ng poll body upang magkaroon sila ng ‘referee.’

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply