Comelec kinampihan ng CIBAC partylist

SINANG-AYUNAN ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna ang desisyon ng Commission on Elections na i-diskwalipika ang Ako Bicol Partylist.

Ipinunto ni Tugna, isang abogado, na malinaw at may batayan ng inisyung resolusyon ng Comelec.

Ani Tugna, ang representasyon ng Ako Bicol bilang ‘regional block’ ang dahilan ng pagkansela sa accreditation nito, dahil dinu-duplicate lamang ang ‘geographical representation.”

Kasabay nito ay pinayuhan ni Tugna ang mga kasamahang kinatawan ng Partylist group na huwag mabahala sa mga susunod na desisyon ng ahensiya.

Sinabi pa ni Tugna na kung naniniwala ang iba pang partylist na tunay nilang kinakatawan ang marginalized sector at alinsunod sa itinatadhana ng konstitusyon partikular ng partylist, walang dapat ipangamba ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply