Comelec: Kumpletuhin ang papeles sa filing ng CoCs

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (comelec) ang mga kandidato na kumpletuhin na ang kanilang mga papeles bago maghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) upang hindi na magkaroon pa ng problema at abala sa kanilang filing na magsisimula ngayong araw.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, dapat nang isama ng bawat kandidato kung may kinabibilangang partido sa paghahain ng CoC ang kanilang certificate of nomination and acceptance.

Aniya, ang kandidato na walang isusumiteng certificate of nomination and acceptance mula sa kinaaanibang partido ay magiging independent.

Ito ay dahil hindi papayagan ng Comelec na ipahahabol lamang ang naturang mga dokumento.

Kung sakali naman umanong magpadala ng representante ang isang kandidato sa paghahain ng kanyang CoC ay papayagan naman ng Comelec ngunit dapat ayon kay Brillantes ay may kasamang authorization.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na mas mainam ang mismong kandidato ang maghain ng kanyang kandidatura upang maayos kung may problemang dokumento.

Sa unang araw ng filling, ay umaasa naman ang Comelec na makapaghahain nang CoC  ang mahigit sa kalahating tatakbo bilang senador.

Bukod dito, dapat ding sundin ng kandidato ang “30-character limit” sa pagsusulat ng kanilang pangalan na nais mailathala sa balota.

Samantala, para matutukan ang filing of COos, sinuspinde muna ang votersregistration mula ngayong Lunes hanggang Biyernes. Itutuloy ang voters registration sa October 6.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply