Comelec nagbabala sa illegal campaign materials

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga lalabag sa tamang campaign material para sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sinisikap nilang pagsapit ng panahon ng pangangampanya ay handang-handa na ang mga mekanismo nila para sa paghuli, pag-prosecute at pagpapakulong ng mga lalabag sa election law.

Kaugnay nito, hihingi ng tulong ang Comelec sa Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabaklas ng mga illegal na campaign material sa sandaling magsimula na ang campaign period para sa 2013 national and local elections.

Sinabi ni Jimenez na sa Metro Manila ay hihingi ng tulong ang Comelec sa MMDA at DPWH sa pagtugis sa mga violator at pag-aalis ng mga illegal campaign materials, tulad ng mga campaign poster na wala sa common poster areas, dahil sila aniya ay may mga gamit at mga hagdan.

Sa mga lalawigan, magpapatulong aniya ang Comelec sa mga kapulisan.

Batay sa Comelec Resolution 9385, magsisimula ang election period sa Enero 13, 2013 hanggang Hunyo 12, 2013. Ang campaign period naman ay nakatakdang magsimula sa Pebrero 12, 2013 para sa national elections at Marso 29, 2013 para sa local elections at magtatapos sa May 11, 2013 o dalawang araw bago ang election day.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply