Comelec nagtaas ng alerto sa pagdinig sa nuisance candidates ngayong araw

NAGTAAS ng alerto ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa pagdinig sa mga sinasabing colorful candidates o nuisance candidates na nais lumahok sa 2013 elections.

Ang hakbang ng komisyon ay upang maiwasan umano ang anumang kaguluhan na maaaring mangyari sa pagdinig.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na dapat maipagtanggol ng mga senatorial hopefuls ang kanilang intension at kung bakit kailangan silang maisama sa listahan ng mga kakandidato sa darating na halalan.

Ilan lamang sa mga kabilang sa nuisance candidates na kakapanayamin ng Comelec ay ang nagpakilalang asawa ng presidential sister na si Kris Aquino; at ang nagsasabing siya ang may-ari ng Pilipinas.

Kaugnay nito, nagkaroon naman ng kilos protesta ang isang grupo sa harapan ng tanggapan ng Comelec  sa  Palacio del Gobernador kung saan nagkatay pa ng manok bilang rituwal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply