Comelec offices dinagsa ng mga magpaparehistro

SIKSIKAN ngayon ang mga magpaparehistro sa mga tanggapan ng Comelec sa iba’t ibang panig ng bansa para sa nalalabing araw ng itinakdang voters registration at reactivation para sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni COmelec Chairman Sixto Brillantes, na hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon lalo pa’t mahilig ang mga Filipino ng “last minute” preparation.

Ayon pa kay Brillantes, hindi sila maaring sisihin sakaling maraming hindi makapagparehistro dahil mahabang panahon na rin ang ibinigay nilang pagkakataon upang samantalahin ng mga botante ang magparehistro.

Ilan naman sa mga botante ang tila sinermunan ni Brillantes dahil sa last minute nilang pagpaparehistro.

Muli namang inihayag ni Brillantes na hindi na nila palalawigin pa ang October 31 deadline ng registration at reactivation na magtatapos ng alas-5:00 ng hapon .

Gayunman, mayroon nang naitalang mahigit na 60 milyong botante ang Comelec sa buong bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply