Comelec officials pwedeng ma-impeach

MALAKI ang posibilidad na maharap sa isang impeachment complaint si Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Ito ay ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez matapos maglabas ang Comelec ng listahan ng mga partylists na diniskuwalipika dahil sa kawalan diumano ng malinaw na representasyon bilang marginalized sectors.

Giit ni Suarez maging ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa isang press conference na kung sa pagtingin ng mga tinanggal na partylists ay hindi dumaan sa tamang proseso ang pagdiskuwalipika at pinagbatayan lamang ang political affiliation ay tiyak na may kalalagyan ang mga opisyal ng Comelec.

Samantala, sa kanilang pagharap sa media, nanggagalaiti naman sina Ako Bikol Partylists Rep. Atty. Rodel Batocabe at Atty. Alfred Garbin sa pagsasabing ang desisyong ito ng Comelec ay panibagong kaso ng “flip-flopping.”

Tahasang sinabi ni Batocabe na inabuso ng Comelec ang kapangyarihan nito nang baklasin sa listahan ng mga partylists ang Ako Bikol gayung dalawang beses itong pinaboran ng komisyon 2010 matapos maghain ng disqualification cases ang grupong Kontra Daya at Makabayan.

Sa Lunes ay nakatakdang magtungo sa Supreme Court sina Batocabe, Garbin at Christopher Co upang maghain ng “immediate remedy” gaya ng paghiling ng Temporary Restraining Order at “question of law and constitutionality.”

Binanggit pa ni Garbin na noong 2010 ay nagdesisyon ang Comelec sa pangunguna nina Commissioners Velasco at Sarmiento pabor sa Ako Bicol na sinundan ng second division na nilagdaan naman nina Commissioners Ferrer, Yusop at Tagle.

“We are deeply saddened by the Comelec decision to disqualify the Ako Bikol partylists. We were voted as the No. 1 partylist and we are optimistic that in the end, justice will prevail.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply