Comelec: P1-M cash bond ng mga kandidato, ‘di pa requirement

PAG-AARALAN pa ng Commission on Elections (Comelec) kung nararapat na patawan ng cash bond ang mga politikong tatakbo para sa 2013 midterm elections.

Kaugnay nito, inihayag ng ahensya na hindi pa requirement ang paglalagak ng P1 million cash bond sa mga tatakbo sa national position.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na napag-usapan lang ito pero hindi pa naman ipinatutupad ng Comelec.

Ipinaliwanag ni Jimenez na hindi biro ang gagatusin ng isang kandidato  lalo na sa mga national position at para maiwasan na rin ang mga panggulong kandidato ay possible naman itong pag-aralan.

Ayon pa kay  Jimenez, hindi naman ito bagong usapin dahil matagal na rin itong naipanukala sa mga nakalipas na eleksyon sa bansa.

Higit na mapadadali umano ang evaluation sa mga kandidato kung mayroong cash bond para mapatunayan na kaya ng isang nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) na makapagsagawa ng nationwide campaign.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply