Comelec: Political dynasty, mamamayan huhusga

IGINIIT ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga mamamayan na mismo ang dapat na gumawa ng inisyatiba laban sa political dynasty sa bansa.

Ito ang pahayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., kasunod ng isang petisyon ang inihain sa Korte Suprema na humihiling na atasan nito ang poll body na ipatupad na ang probisyon ng konstitusyon kaugnay ng political dynasty.

Ayon kay Brillantes, tiyak na mahihirapang makakuha ng suporta mula sa mga mambabatas ang pagpapasa ng batas laban sa political dynasty dahil sila mismo ang apektado nito.

Inihalimbawa ni Brillantes ang People’s Initiative kung saan ang mismong taumbayan na ang magbobotohan para sa pag-draft ng batas.

Dumepensa rin naman ang Comelec sa isyu ng hindi maipatupad na probisyon ng Saligang Batas na nagbabawal sa political dynasty.

Ayon kay Brillantes, hindi nila maaaring ipatupad ang nasabing constitutional provision ng walang batas na ipinapasa ang kongreso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply