Comelec sa disqualifieds: Dumulog na sa SC

PINADUDULOG kaagad ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nadiskuwalipikang kandidato o partylist group sa Supreme Court.

Ito ay kung nais umano ng mga naturang diskwalipikadong kandidato at partylist group na makalahok sa 2013 midterm polls.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr.,  kailangang magmadali sa paghahain ng petisyon sa mataas na hukuman ang mga ito dahil kinakailangang bago matapos ang Disyembre ay makakakuha na ang mga ito ng paborableng desisyon o Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema.

Paliwanag ni Brillantes, pagsapit ng Enero ay sisimulan na nila ang Configuration para sa paglilimbag ng balota na gagamitin sa halalan.

Kung hindi aniya makahahabol ang mga diskwalipikadong kandidato o grupo ay wala na silang pag-asa na makalahok pa sa eleksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply