Comelec: Social media, malaking tulong sa halalan

MALAKI ang maitutulong ng social media sa pagbabantay sa halalan kaya hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na gumagamit nito na tulungan sila sa paghatid ng impormasyon at pag-uulat ng mga balita kaugnay sa paghahain ng Certificate of Candidacy (CoCs) hangggang sa pangangampanya at araw ng halalan.

Ayon kay spokesperson James Jimenez, ang social media ay makakatulong sa poll body upang maipabatid ang totoong nangyayari sa sitwasyon sa pagdaraos ng limang araw na paghahain ng kandidatura ng mga tatakbong mga pulitiko.

Malaki rin ayon kay Jimenez ang kontribusyon ng internet users maging sa mga ibang isyus na may kinalaman sa halalan.

Kaya naman hinimok ng Comelec ang mga Twitter users na gumamit ng unified hashtag na #COCfiling sa pagpo-post ng kanilang tweets.

Ikatlong araw na ngayon ng paghahainng CoCs na magtatapos sa Oktubre 5 araw ng Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply