Comelec: Umiwas sa premature campaigning

MULING nanawagan sa mga kandidato ang Commission on Elections (Comelec) na umiwas sa premature campaigning.

Ang panawagan ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. ay matapos makapaghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) sa poll body nitong Oktubre 1 hanggang 5 ang mga tatakbo sa May 2013 midterm polls.

Ayon kay Brillantes, sa ngalan ng ‘delicadeza’ ay dapat na mismong mga kandidato na ang umiwas sa premature campaigning kasabay nang pag-aming walang batas na pumipigil dito.

“Out of delicadeza, prospective candidates who filed their COCs should refrain from indirect campaigning by appearing on TV, radio and in ads,” pahayag ni Brillantes, sa kanyang Twitter account.

Magugunitang ilang senatorial candidates ang mapapanood sa ilang commercial sa telebisyon at radyo, hindi naman umano upang mangampaniya, kundi para isulong ang iba’t ibang adbokasiya.

Maging sa media naman ay umapela si Brillantes na huwag bigyan ng exposure sa pamamagitan ng interview, na matatawag na indirect campaigning ang mga kandidato.

“I have the same call to TV/radio stations and media in general, giving unnecessary exposure to select candidates in the guise of interviews,” tweet ni Brillantes.

“Regardless of what you call it, it can readily be misinterpreted as indirect campaigning or implied endorsement,” aniya pa.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng poll chief ang media na nabibigyan nila ng “undue disadvantage” ang ibang kandidato na hindi nabibigyan ng kahalintulad na pagkakataon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply