Comm. David sinira ng tsiks at mga GL sa Region 8

PAHIYA ang ating bansa sa naganap na kabalbalan noong isang araw sa BI-NAIA kung saan ang 5 staff ng Foreign Minister ng Malaysia ay “ini-off load” dahil sa utos ng isang “chick” (chicken?) na super-lakas kay Commissioner Ricardo David.

Ayon sa ating source, si Nelia Buenaflor ay personal nurse, este, AFP nurse no-ong Chief of Staff pa si David kaya binitbit ito sa Bureau of Immigration at ginawang CA.

At dahil nga super-dikit ito kay David kaya hindi ito nagpa-function bilang Confidential Agent, bagkus ay umaastang hepe at gustong sakupin pati sina Airport Operations Division Chief (AODC) Ben Se at Traffic Control En-forcement Unit (TCEU) Chief Dong Castillo.

Ang nangyari, parekoy, kaugnay sa pag-off-load, nauna nang “cleared” kay Intelligence Officer Rona Villanueva ang nasabing mga staff ng Foreign Minister ng Malaysia, ngunit sa hindi maipaliwanag na “karisma” nitong chicks ni Comm. David ay nagawa nitong i-over ride ang desisyon ng I.O.

Resulta, kailangan pang tumawag ang Prime Minister ng Malaysia para lang mapasakay ang kanilang staff.

Tsk, tsk, tsk, isang napakalaking kahihiyan na kaya nasa Pinas ang nasabing Foreign Minister ay bilang saksi sa BangsaMoro Peace Agreement!

Sa kapalpakan ng “chicks” na ito ay iba pa ngayon ang gustong kastiguhin ni Comm. David.

Ano ba ‘yan, Comm. David, hawak ka ba sa bayag?

Huwag masyadong higpi-tan, ha, baka mabasag ‘yan!

Hak, hak, hak! Pwe!

-o0o-

ISANG listahan na ibinigay sa atin ng isang pari sa Archdiocese ng Palo, Leyte ang naglalaman ng mga pangalan ng mga gambling lord sa Region 8 pati na ang mga posible umanong protektor nila.

Kabilang ang mga pangalan nina R-2 Col. Toma-sito Clet at Leyte Provincial Director Pio Manito sa mga nakalagay.

Nangunguna naman ang mga gambling lord na sina Noli Go, Atoy Daysam, Jun-jun Petilla at Bernie Tacoy sa namamayagpag ngayon sa “Swertres bookies” sa Region 8.

Uunahin nating hihimayin ang konek ni Bernie Tacoy!

-o0o-

Reaction at sumbong 0915-2121303/09098992775 jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply