Commander ng WesMinCom, inilipat na

SIMULA kahapon ay pormal na tinanggal ng pamunuan ang Armed Forces of the Philippine ang hepe ng AFP Western Mindanao Command upang gawin itong number 2 man ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kaugnay sa naka ambang galawan sa mga top key positions.

Ito ay bunsod ng maagang pagreretiro ni AFP Vice Chief of Staff Ltgen Reynbaldo Mapagu nitong nakalipas na Biyernes Oktubre 19, 2012.

Kinumpirma ng AFP hierarchy ang pagkakahirang kay Westmincom Commander Lt. Gen. Noel Coballes bilang no. 2 man ng sandatahang lakas kasunod sa ginawang early retirement Lt. Gen. Mapagu.

Ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos si Coballes ang pinili na maging kapalit sa mababakanteng puwesto ni Mapagu bilang Vice Chief of Staff.

Si Coballes ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Mapitagan Class 1980. Nagsilbing bilang commander ng Westmincom ng 10 buwan.

Samantala simula bukas araw ng Lunes ay magsisimula naming manungkulan si Major Gen. Rey Ardo, dating 6th Infantry Division Commander bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command kahalili ni ni Lt. Gen. Coballes .

Si Ardo ay miyembro ng PMA Dimalupig Class ng 1981, nagsilbi bilang commander ng 103rd Infantry Brigade at hepe ng Unified Command Staff ng Central Command taong 2007.

Ang papalit naman sa pwesto ni Ardo bilang 6th ID Commander ay si Maj. Gen. Ceasar Ordoyo, ang hepe ng Intelligence Service ng AFP.

SIMULA kahapon ay pormal na tinanggal ng pamunuan ang Armed Forces of the Philippine ang hepe ng AFP Western Mindanao Command upang gawin itong number 2 man ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kaugnay sa naka ambang galawan sa mga top key positions.

Ito ay bunsod ng maagang pagreretiro ni AFP Vice Chief of Staff Ltgen Reynbaldo Mapagu nitong nakalipas na Biyernes Oktubre 19, 2012.

Kinumpirma ng AFP hIerarchy ang pagkakahirang kay Westmincom Commander Lt. Gen. Noel Coballes bilang no. 2 man ng sandatahang lakas kasunod sa ginawang early retirement Lt. Gen. Mapagu.

Ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos si Coballes ang pinili na maging kapalit sa mababakanteng puwesto ni Mapagu bilang Vice Chief of Staff.

Si Coballes ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Mapitagan Class 1980. Nagsilbing bilang commander ng Westmincom ng 10 buwan.

Samantala simula bukas araw ng Lunes ay magsisimula naming manungkulan si Major Gen. Rey Ardo, dating 6th Infantry Division Commander bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command kahalili ni ni Lt. Gen. Coballes .

Si Ardo ay miyembro ng PMA Dimalupig Class ng 1981, nagsilbi bilang commander ng 103rd Infantry Brigade at hepe ng Unified Command Staff ng Central Command taong 2007.

Ang papalit naman sa pwesto ni Ardo bilang 6th ID Commander ay si Maj. Gen. Ceasar Ordoyo, ang hepe ng Intelligence Service ng AFP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply