Commemorative stamps ni Beato Calungsod mabibili na

BUKOD sa ilang mga souvenir na T-shirt, pins at kung anu-ano pa ay mabibili na rin ang commemorative stamp ni Blessed Pedro Calungsod bilang pagpupugay at pagkilala sa kanya bilang ikalawang santo mula sa Pilipinas.

Makikita sa commemorative stamp na may hawak na palaspas si Calungsod kagaya ng mga imahen na ipinakikita sa telebisyon.

Ang mga souvenir ay hindi lamang mabibili sa Vatican City kundi maging dito sa Pilipinas.

Ilan sa mga souvenir na mabili ngayon ay ang imahe o ang maliit na estatwa na hinulma ang mukha ng tatanghaling pangalawang santo na tinawag na “Pedrito” na ipamamahagi pagkatapos ng canonization.

Bukas, sa St. Peter’s Square sa Vatican sa Roma ay pangungunahan ni Pope Benedict XVI ang canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply