Commercial building sa Romblon nasunog

NAABO ang tindahan ng appliances, hardware materials at water station makaraang masunog ang 2-palapag na commercial building sa National Road, Odiongan, Romblon kaninang umaga.

Nabatid na mabilis na kumalat ang apoy na nagsimula bandang alas-7:00 ng umaga dahil gawa sa light materials ang gusali at idineklarang under control pasado alas-9:00 ng umaga.

Walang naiulat na nasaktan sa naturang sunog habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply