Constitutional amendment, di pa kailangan

HINADLANGAN ng gobyerno ang ilang mambabatas na nagsusulong na amyendahan ang Saligang Batas sa pagbuo ng Bangsamoro na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos magkasundo ang gobyerno at ang MILF sa isang Framework Agreement

Ayon kay Peace Panel Chief Negotiator Marvic Leonen, hindi na kailangan pang amyendahan ang Saligang Batas para lamang buuin ang Bangsamoro,

Nilinaw ni Leonen na ang paglansag sa ARMM ay maaaring idaan sa normal na proseso sa dalawang kapulungan ng kongreso.

Ayon kay Leonen, tulad ng pagbuwag sa ARMM ay legislative process din naman ang pagdadaanan para sa pagbuo ng Bangsamoro na papalit sa ARMM.

Dagdag pa ni Leonen na mayroong probisyon sa framework agreement na maaaring pag-usapan ng transition commission ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Kinalma naman ni Autonous Region for Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman ang publiko kaugnay sa itatayong Bangsamoro political entity na papalit ng ARMM sa Mindanao.

Sinabi ni Hataman, na walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil dadaan naman sa tama at legal na proseso ang pagbuo dito.

Hindi rin aniya makatwiran na sabihing independent ang bubuuing Bangsamoro sapagkat tulad ng ARMM ito rin ay autonomous.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply