Cop killer na most wanted arestado

MATAPOS ang anim na taon na pagtatago, naaresto ang isang 35-anyos na tinaguriang ‘cop killer’ at kabilang sa top 10 most wanted ng Pasay City police, matapos inguso ng kanyang kapitbahay makaraang itong lumutang sa kanilang lugar kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 116 ang suspect na si Allan Pagsuyuin, binata, ng 1159 Barrio Bayanihan, dakong alas-10:30 ng gabi.

Batay sa rekord ng pulisya, si Pagsuyuin ang bumaril at nakapatay kay PO2 Alabado, miyembro ng Pasay City Police, noong 2006.

Kaagad na tumakas at nagtago si Pagsuyuin matapos ang insidente, subalit nagpasyang bumalik sa dating tirahan sa Barrio Bayanihan sa pag-aakalang nakalimutan na ng mga kalugar ang ginawang krimen.

Sa tulong ng isang impormante, nadakip sa kanyang dating tirahan ang salarin at nakapiit ngayon sa Pasay City Police detention cell.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply