Corona inaasahang dadalo sa pagdinig ng tax case ngayong araw

INAASAHAANG dadalo sina dating Supreme Court Chiej Justice Renato Corona, anak na si Ma. Carla Beatriz Castillo at asawa nitong si Dr. Constantino Castillo III sa pagdinig ng tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw.

Ito ay makaraang hindi sumipot si Corona sa nakaraang pagdinig kaugnay ng kinasasangkutang kaso.

Ngayong araw dakong alas-10:00 ng umaga itinakda ang muling pagdinig sa kaso ng DOJ panel of prosecutors sa multi purpose hall ng kagawaran.

Noong nakalipas na pagdinig, ang mag-asawang Castillo lamang ang nakapaghain ng kanilang counter affidavit sa kasong tax avasion habang ilang beses na ring pinagbigyan ang dating punong mahistrado upang makapagsumite ng kanyang affidavit.

Si Corona ay matatandaang kinasuhan ng tax evasion case ng Bureauof Internal Revenue kung saan hinahabol ng gobyerno ang kabuuang P120.5 milyon utang sa buwis habang nasa mahigit P30 million ang halaga ng tax liability ng mag-asawang Castillo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply