Coronas’ pinahaharap ng DOJ sa Oktubre 15

SAMPUNG araw lamang o hanggang sa Oktubre 15, 2012 ang ibinigay na palugit ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors sa kampo ng mga Corona upang ihain ang kanilang counter affidavit.

Bukod dito, inatasan din ng panel ang pamilya Corona na humarap sa nabanggit na petsa upang personal na panumpaan ang kanilang kontra salaysay at mga ebidensiya.

Una rito, sa ikalawang pagkakataon sa ginanap na pagdinig ng lupon, hindi lumantad si dating Chief Justice Renato Corona, kanyang anak na si Carla at manugang na si Constantino Castillo sa DOJ.

Tanging ang abogado lamang ng mga Corona na si Atty. Anacleto Diaz ang dumalo sa pagdinig at naghain ng entry of appearance with motion for extension of time to file counter-affidavit.

Hiniling ni Diaz sa panel na pinangungunahan ni State Prosecutor Rose Anne Balauag na bigyan ng 30 araw ang dating Chief Justice para makapagsumite ng kontra salaysay habang 15 araw para sa mag-asawang Castillo upang mapag-aralang mabuti ang mga asunto laban sa kanyang mga kliyente lalo na ang mga taon na sila ay inakusahan nang hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Binigo ng panel of prosecutors ang mosyon ng mga Corona at binalaan na sakaling mabigo na namang humarap ang mga ito sa Oktubre 15 ay dedesisyunan na ng lupon ang tax evasion case alinsunod sa mga ebidensiyang inihain ng Bureau of Internal Revenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply