Corruption pa sa BIR, nabunyag

ISA pang katiwalian sa Bureau of Internal Revenue ang nabunyag ukol naman sa diumano’y pag-obliga sa taxpayers na ‘doblehin’ ang ‘PR money’ na bahagi ng ‘grease money’ o lagay sa mga tinatapos na ‘juicy tax cases sa LTRAD-3 at LTRAD-1 ng Large Taxpayers Service.

Itinurong nasa likod ng katiwalian ang isang alyas ‘Hermie’ na trusty ng umano’y hepe ng LTRAD-3 na siyang may control sa lahat ng mga ‘juicy cases’ at may pakana ng sinasabing ‘double the PR’ sa bawa’t tinatapos na tax cases, bukod pa sa umano’y paghingi ng extra-bonus gaya ng cash, gifts, jewelries, ipod, ipon, laptops at iba pa.

Diumano, ang naabing hepe sa pamamagitan ni ‘Hermie’ ay nagkamal ng salapi,  naninirahan sa isang mansion sa Antipolo City, nakabili ng mga condominiums, expensive cars, jewelries, branded bags, may sariling kuwarto sa isang exclusive 5-star hotel sa Metro Manila, madalas lumabas ng bansa kasama ang pamilya maging sa bansang Vietnam at Cambodia.

Sa LTRAD-1, itinuturo naman sa katauhan ng isang alyas ‘Rosita’  ang nasa likod ng katiwalian. Ito umano ang siyang may control sa pagtatapos ng malalaking tax cases at siyang kasangkapan kaya umano’y nakapagpatayo ng malaking bahay sa Masambong, bukod pa sa pagma-mayri nito ng malaking hardware, beauty parlor, warehouse, grocery at nakapag-abroad patungong Europe, Holy Land, USA at iba pa.

Una nang iniutos ni BIR  Commissioner Kim Henares ang masusing imbestigasyon sa mga nagaganap na katiwalian sa mga dibisyon ng LTRAD 1 and 3. Mahigpit ang babala ni Commissioner Henares na kanyang sisibakin sa puwesto ang sinumang mapapatunayang nasa likod ng katiwalian sa nasabing tanggapan.

Ibinunyag ng source ang umano’y mga sumusunod na katiwalian gaya ng: pag-terminate sa mga tax cases sa bisa ng ‘lagay system’ o pagtanggap ng ‘grease money,’ umano’y pag-doble sa PR money na bahagi rin ng grease money, paghingi ng extra bonus tulad ng cash, ‘gifts,’ mamahaling bags, ipads, ipone, imported watch at iba pang valuable bilang additional incentives o bahagi ng sinasabing ‘mandatory practice,’ pagtanggap ng ‘tips’ na katumbas ng halaga ng plane tickets para makapaglibot sa ibang bansa at makapag-shopping,

Sinabi ng source na dismayado umano si Commissioner Henares sa umano’y nabunyag na katiwalian kaya’t inaasahan ang malawakang pagbalasa sa nasabing tanggapan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply