Coup plotters sa Senado, hinamon na lumutang

NANINIWALA si Rep. Mitos Magsaysay na hindi magtatagumpay ang umano’y plano ng ilang miyembro ng Senado na patalsikin sa pwesto si Senate president Juan Ponce Enrile dahil wala namang ipinakitang mali si JPE sa kanyang pamumuno sa Senado mula nang siya maiboto sa pwesto.

“Wika nga ni Manong Johnny e hindi naman siya natatakot na bumaba sa pwesto basta’t hindi naging masaya sa kanyang pamumuno ang kanyang mga kasamahan sa Senado. Hindi naman siya ang tipong kapit tuko sa pwesto na ayaw umalis kahit pinapaalis na. Ilang beses na niya itong sinabi mula nang lumabas ang mga ulat tungkol sa coup sa Senado pero wala namang lumalabas at nagsasabi na gusto na nilang palitan ang Senate president.”

Ani Magsaysay, nanininiwala siya na ang kababaang loob ni Senador Enrile sa pagsasabing hindi siya magpipilit maglagi sa pwesto kung meron nang may ayaw sa kanya ay isang senyales na inuuna niya ang kabutihan ng senado kaysa ang sariling kapakanan sa politika.

“Kung sinuman ang nagbabalak na pumalit sa kanyang pwesto, wag na kayong magtago. Lumabas na lang kayo at magsabi at hayaang ang demokrasya ay umiral sa Senado. Magbotohan na nang magkaalaman na kung sino talaga ang dapat na mamuno sa Senado.”

Aniya, napakaraming dapat asikasuhin ng Senado lalo na sa mga nakabinbing batas na kailangang ipasa at ang power struggle ay hindi makabubuti sa pag usad ng mga ito. Dagdag pa niya dapat ay tapusin na ang isyung ito upang maituon na ng mga Senador ang kanilang atensiyon sa mga isyung kailangang harapin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply