CPLA nabiyayaan ng livelihood, infra project

VIGAN CITY – Isinuko kamakalawa ng mga miyembro ng Cordillera Peoples’ Liberation Army (CPLA) ang mga matataas ng kalibre ng mga baril sa Office of the Presidential Affairs on Peace Process (OPAP) sa probinsya ng Abra, Ilocos Norte, bilang tanda ng kapayapaan sa nasabing lalawigan.

Sa report na isinagawa ng Abra Philippine National Police (PNP), kusang isinuko ng mga miyembro ng CPLA ang kanilang mga armas upang tigilan ang pakikipaglaban sa gobyerno.

Bilang pagpapaunlak ng OPAPP sa mga rebelde, binigyan ng lokal na pamahalaan ang CPLA ng livelihood project at infractructure development para sa mga pamilya ng nasabing grupo.

Kabilang sa mga opisyal na nagsagawa ng nasabing pagsurrender ng mga armas ng mga rebel returnees ay sina Abra Gobernador Eustaquio Bersamin, Cordillera Regional Police Director Benjamin Magalong, Abra Provincial Director Alexander Rafael, Lt. Col. Danilo Dominggo Commanding Officer ng 41st Infantry Batallion, Philippine Army, Carmen Gomez ng OPAPP.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply