Cristine nagiging palasumbat

NAGIGING pala sumbat pala si Cristine Reyes sa kanyang pamilya. Wala raw kasing tigil sa pangungutang ang kanyang mga kapamilya na walang bayaran.

Well, ang dapat gawin ni Cristine e, di huwag siyang magpautang nang wala siyang pinu-problema. Madali namang sabihin niya sa kanyang kapamilya na wala siyang pera tulad na lamang sa nangyari sa kanilang magkapatid na si Ara Mina.

Lumabas sa telebisyon si Ara para idemanda ang kanyang kapatid sa mga masasakit na text nito sa kanya.

Ang utang kasi ay pinagsisimulan ng away lalo na ang pera kaya payo namin kay Cristine, huwag magpautang nang walang maging problema.

000

ANG mga batang talent ng Nephites Talent Center ay madalas makuha sa mga commercial tulad ng Mcdonald, Tang Juice at Nido. Ang mga batang ito ay bibo at kinabibilangan nina Juliean Laperal, Jasmine Mana–Ay, Lance Lindres, Lojiel Loyola, Reina Nagoshi, Zamantha Mendoza, Charles Leosala, Precious Navarro, Christofern Mateo, Charelle Marcelino, Princess Mayormita, Erika Mora, Maezy Go Ladao, Trajan Moreno, Julienne Manuel, Jay Vicente Marilla, Jace Lapan, Janet Millan, Kristin Manalo, Noah Labasan, Gabriel Labasan, Denzel Morta, Raven Lugtu, Matthew Mesia, Ernestine Marcelo, Mary, Marabulas, Gabrielle Llamasarez at Leizach Marcelo.

000

MAGKAKAROON ng mini–concert si Tita Mega C sa Brgy. Sagad covered court sa December 13 kasama si Mico Aytona ng Walang Tulugan with The Master showman GMA at si Babagi ng Bubble gang.

Tuluy-tuloy pa rin sa pagra– radio si Tita Mega C kasama ang inyong lingkod sa DWBL 1242Khz every Wednesday 2:00 hanggang 3:00 ng hapon.

000

PINASAYA ng Eat Bulaga ang teacher ng day cares a San Mateo Montalban na si Teacher Semy sa sopresa ng number noontime show nagbigay ng mga gamit sa iskuwelahan para magamit ng mga mag-aaral.

Kaya naman lalong pinagpapala ang noontime show ng GMA ay dahil sa mga pagtulong na ginagawa nila sa ating mga kababayan. Kaya suportahan natin ang EB mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang Po.

000

MAKATATAPOS ng kanyang ikatlong termino si Congresswoman Trisha Bonoan David ng 4th District ng Manila ng walang kahirap-hirap dahil wala ng maglakas loob na lumaban sa kanya, maging ang tinalo niya noong 2010 election na si rating Kongresista Rudy Bacani ay hindi na tumakbo.

Si Congresswoman Bonoan David ang siyang unang Kongresista sa ika-apat na distrito ng Maynila na matatapos ang termino na walang kalaban. Isa sa may pinakamagandang mukha sa Kongreso, kung gagawin ang kanyang life story, gusto niyang gumanap ay si Marian Rivera.

May pakiusap naman si Congresswoman sa kanyang mga nasasakupan. Ang kanyang asawang si Atty. Rosauro “Buboy” David ay kandidatong Konsehal ng 4th District ng Maynila.

000

THANAKHA Calendar Girl grand winner Rovilyn Red De La Cruze endorser na ng Simone Mobile Business Solutions, ang kumpanya sa likod ng SimONE all net eloading business.

Pinangungunahan ng kanilang Presidente na si Stanley Umlas, Ang SimOne ay naglalayong makapagbigay ng kabuhayan sa ating mga kababayan sa buong bansa sa pamamagitan ng e-loading business.

Kahit sa maliit na puhunan ay maaari ka ng magkanegosyo. Bukod sa negosyong e- loading, ang SimOne ay may mga produktong pampaganda at pangkalusugan rin.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply