Cute na bahay sa Cavite, imbakan ng nakaw

IMBAKAN pala ng mga nakaw na produkto sa mga na-hijack na trak ang animo simpleng bahay sa Citihomes sa Dasmarinas, Cavite.

Ito ang natuklasan ng mga operatiba ng Cavite PNP matapos ang isang follow-up operation na kanilang isinagawa makaraan ang serye ng hijacking sa lalawigan, kung saan inaresto ang may-ari ng bahay at ang mga lalaking humahakot ng mga produktong nakaw upang dalhin sa Metro Manila partikular sa Valenzuela para ibenta sa murang halaga.

Ayon kay Dasmarinas Police chief PSupt. Ulysis Cruz, inaresto ng Cavite PNP ang may-ari ng bahay sa Citihomes Subdivision na si Steve Comia at ang asawa nitong si Normita.

Sa panayam sa mga ito, nakiusap lamang umano ang isa nilang pamangkin na makikilagay lamang ng mga bigas sa kanilng bahay subalit ng dumating sa kanila ang isang trak ay hindi bigas kungdi mga keso at margarina ang laman ng van na tumigil sa kanila. Nalaman lamang umano ng mga Comia na hijack pala ang mga produkto ng makita nila ang maraming pulis sa kanilang lugar.

Todo tanggi naman ang mga sakay ng isang kotse na humahakot ng mga produkto na inaresto din ng mga pulis, na may alam sila kung saan dadalhin ang mga produkto.

Ayon sa isa sa mga suspek na nakilalang si Roland Mantong ,napag-utusan lamang sila umano na hakutin ang mga kahon at ilipat sa mga trak dadalhin sa Maynila subalit wala pang eksaktong lokasyon na pagdadalhan.

Ayon naman kay Cavite Provincial Director PSSupt.John Bulalacao, paiigtingin ng kanyang mga tauhan ang mga checkpoints sa lalawigan upang labanan ang mga hijacking na ginagamit ang Cavite bilang exit points, drop off points, at distribution points ng mga nakaw na produkto lalo na ngayong papasok ang panahon ng kapaskuhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply